BUKIDNON, Philippines — Natagpuan na nitong Huwebes, Oktubre 23, ang mga labi ng mag-asawang natabunan ng landslide sa Sitio Kipolot, Barangay Palacapao, Quezon, Bukidnon, noong Sabado ng gabi.
Ayon sa mga awtoridad, umabot sa limang araw ang search and retrieval operations dahil sa lawak at lalim ng gumuhong lupa na tinatayang 40 metro, bukod pa sa hirap maipasok ang heavy equipment sa lugar.
Malaking tulong sa operasyon ang search and rescue dogs ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, na nakatulong sa pagtunton sa kinaroroonan ng mga biktima.
Samantala, inanunsyo ng mga opisyal na magtatayo ng 2-lane detour road malapit sa lugar ng pagguho upang muling madaanan ang Bukidnon–Davao Road, isang mahalagang rutang nagdurugtong sa northern at southern Mindanao.











