


ORIENTAL MINDORO, Philippines — Sugatan ang isang dating pulis matapos siyang pagbabarilin habang sakay ng isang SUV pasado alas-7 ng umaga sa NIA Road, Barangay Poblacion, Bansud, nitong Huwebes.
Ayon sa ulat ng pulisya, ligtas naman ang asawa ng biktima na kasama niya sa sasakyan. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.











