PARAÑAQUE CITY, Philippines — Nakasinding kandila ang itinuturong sanhi ng sunog na tumupok sa isang residential area sa Barangay San Isidro noong Linggo ng madaling araw, Nobyembre 2.
Ayon sa Bureau of Fire Protection–Parañaque (BFP), higit 20 fire trucks ang rumesponde upang maapula ang apoy na tuluyang naapula pasado alas-6:00 ng umaga.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang kabuuang pinsala at kung may nasugatan o nasawi.











