WEST PHILIPPINE SEA — Muling nagsagawa ng multilateral maritime cooperative activity ang Pilipinas, katuwang ang Estados Unidos at Australia, sa West Philippine Sea upang palakasin ang ugnayan at koordinasyon sa seguridad sa rehiyon.
Sa unang pagkakataon, lumahok din ang barkong pandigma ng New Zealand, na nagmarka ng mas pinalawak na kooperasyon sa pagitan ng mga allied nations.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), layon ng pagsasanay na paigtingin ang interoperability at collective response capabilities ng mga kalahok na bansa sa mga sitwasyong maritimo at pangseguridad.











