ORIENTAL MINDORO, Philippines — Hawak na ng mga awtoridad ang suspek sa pananambang sa isang dating pulis sa Barangay Poblacion, Bansud, matapos itong sumuko sa tulong ni Mayor Ronaldo Morada.
Ayon sa ulat, boluntaryong isinuko ng alkalde ang suspek sa pulisya upang maiwasan ang karagdagang tensyon sa lugar.
Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa likod ng pamamaril.












